Pagkilala at pagpapalakas sa ‘women fisherfolks’ isa sa mga prayoridad ng bagong mangingisdang direktor ng BFAR-Bicol

SORSOGON CITY – Binigyang diin ng bagong upong mangingisdang direktor ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol na kabilang sa kanilang top priorities ngayong taon ay ang pagkilala at pagpapalakas sa mga kababaihan na nasa larangan ng pangingisda.

Sa panayam ng Brigada News Fm Sorsogon kay Imelda Belda ng lalawigan ng Albay, sinabi nito na bilang babaeng mangingisda ay nararapat lamang na magkaroon ng sustainable na mga programa ang pamahalaan na makakautulong sa dagdag kita ng mga kababaihang na nasa fisheries sector, gaya ng isang matatag na kooperatiba at nagtutulungang mga miyembro.

Umaasa ang opisyal na makatutulong ang kanyang representasyon upang maraming pang kababaihan ang mahikayat at seryosohin ang kanilang ilulunsad na mga programa para sa pagpapaangat ng pamumuhay ng lahat ng mangingisda sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *