Health Emergency Response sa panahon ng kalamidad inilunsad ng APSEMO sa lalawigan ng Albay

LEGAZPI – Inilunsad ng Albay Public Safety and Emergency Management Office o APSEMO ang Health Emergency Response na pwedeng gawin sa oras ng kalamidad sa lalawigan ng Albay.

Pinangunahan ng Asia Pacific Alliance for Disaster Management Philippines (A-PAD PH) ang pagpulong sa mga kinatawan mula sa media, mga professors, civil society organizations, mga ahensya de gobyerno, medikal at sektor ng negosyo para sa isang Multi-sectoral Consultation on Health Emergency Response During Natural Hazards and Disasters sa lalawigan.

Ang rehiyon ng Bicol bilang daan para sa pagbabahagi ng kaalaman at karanasan at pagtukoy ng mga lugar para sa pagtutulungan ng iba’t ibang sektor.

Ayon kay Eugene Escobar, Statistician IV ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, ang mahalagang papel ng pampublikong sektor sa serbisyong pangkalusugan sa emergency, na binanggit ang pangangailangan para sa suporta at pakikipagtulungan bago, habang at pagkatapos ng mga sakuna upang palakasin ang mga serbisyo at kapasidad sa pagtugon sa kalusugan ng kalamidad .

Samantala, ang A-PAD ay isang trans-national disaster alliance na gumagana upang mapadali ang kooperasyon at pagkakaunawaan sa pagitan ng gobyerno, pribadong kumpanya at NGO sa Asia Pacific Region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *