Pagsunod sa minimum health standard, ipinanawagan ni Governor Edgardo Tallado dahil sa patuloy na paglobo ng mga nahahawa ng sakit na COVID-19 SA Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nanawagan si Governor Edgardo Tallado sa lahat ng mga kawani sa Provincial Government at sa buong mamamayan ng Camaries Norte na huwag maging kampante at sa halip ay tumulong na malabanan ang COVID-19

Ito’y dahil sa patuloy na paglobo ng mga nahahawa ng naturang sakit sa lalawigan

Ayon sa Gobernador, kailangan ang ibayong pag-iingat upang makaiwas sa posibleng pagkakahawa ng Covid 19

Pinaalalahanan din nito ang lahat ng Provincial Government Employees na panatilihin ang disiplina sa kanilang mga opisina at sundin ang ipinatutupad na Protocols ng bawat Department Heads.

Ayon pa dito, huwag anyang hintayin na mahawa pa ng nasabing sakit ang buong pamilya dahil ang Covid 19 ay hindi birong sakit na milyong tao na ang pinapatay sa buong mundo.

(photo: CN-PIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *