Pagtaas ng presyo ng palay hinihintay pa ng mga magsasaka sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Matiyagang nagbibilad ng palay sa ilalim ng mataas na sikat ng araw ang 77-anyos nang si Miguel Tagle ng Barangay San Juan, Minalabac Camarines Sur. Aniya nakakalugi pa ang presyohan ng bawat kilo ng palay na P20 hanggang P23 sa kanilang bayan , mahal aniya ang farm inputs.

Kung ano aniya ang porsyento ng itinataas nito gayundin sana sa presyo ng palay. Natataasan man sa gastusin nagpapatuloy lamang para sa kaniyang mga apong nag-aaral. Nakakakuha ng abono mula sa Deaprtment of Agriculture si Tagle, subalit kulang ito sa kaniyang taniman.

Si Edward Besana naman na 50-taon nang nagsasaka, inaasahan nito na bababa ang presyo ng palay kung sabaysabay ang ani, mabuti na lamang aniya may source siya ng tubig na malaking tulong palayan.

Inaprubahan ng National Food Authority (NFA) Council ang pagtaas sa presyo ng bawat kilo ng palay. Layunin nito na mapataas ang buffer stock ng ahensya at maging competitive ang presyo sa merkado.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel de Mesa, itataas sa P23 hanggang P30 kada kilo mula sa dating P19 hanggang P23.00 ang dry at clean. P17 hanggang P23 kada kilo mula sa P16 hanggang P19 sa fresh.

Pero sinabi sa Brigada News FM Naga ni NFA Camarines Sur OIC Marbin Ciudadano Malabanan, ngayon pinaplantsa pa ang guidelines sa pagpapatupad ng mas mataas na presyo. Sa pagtaas aniya ng bili ng NFA ng palay , posible rin ang pagtaas din  ng presyo ng traders sana niya ay hindi na tumaas ng husto ang presyo ng bigas sa merkado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *