Pahiwatig ni Moira: “Kala ko ikaw na, hindi pa pala..”

Bago pa man ang anunsyo nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez ng kanilang hiwalayan ay tila nagpahiwatig na umano ang singer-song writer sa pinagdadaanan nito.

Madaling araw noong Mayo 30, Lunes ng nag-live sa kanyang Instagram si Moira at bakas ang lungkot sa kanyang mga mata habang nagpapatugtog ng gitara.

Maraming netizens ang nakapansin na mas kita ang lungkot sa mukha ni Moira kapag binibigkas ang mga linyang, “Kala ko ikaw na, hindi pa pala…”

Komento ng mga nanood, tila may pahiwatig ang singer na siya ay mayroong pinagdadaanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.