Palasyo, wala pa ring desisyon kung tatanggapin ang mga Afghan refugees sa bansa

Hindi pa naglalabas ng pinal na desisyon si Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa pagtanggap ng mga Afghan refugees sa bansa.

Ayon kay Marcos, nananatili pa rin siyang ‘kumplikado’ sa usapin dahil tinitimbang pa rin aniya ang mga advantages at disadvantages sa pagtanggap ng mga Afghan nationals sa Pilipinas.

Dagdag pa niya, may halo itong politika at security kaya naman hindi madaling pumayag o tanggihan ang kahilingan ng Amerika.

Sa ngayon, wala pa ring deadline para sa final decision ng pamahalaan, at tuloy-tuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Amerika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *