‘Rep. Arnie Teves sangkot sa mga patayan sa Negros Oriental’ – Mayor Degamo

Direktang tinukoy ni Pamplona, Negros Oriental  Mayor Janice Degamo si suspended Cong. Arnolfo Teves Jr. at kanyang mga kaanak na sangkot sa mga patayan at iba pang karahasan sa kanilang lalawigan.

Ito ang naging matapang na pahayag ng biyuda ni Negros Oriental Governor Roel Degamo, sa pagpapatuloy ng Senate inquiry tungkol sa kaso ng patayan sa kanilang probinsya.

Ipinakita ni Mayor Degamo ang listahan ng 49 na mga biktima ng pagpatay sa Negros Oriental mula 2007.

Totoo rin aniya ang pagkakaroon ng private army ng mga Teves at ito ang dahilan kaya takot ang mga otoridad sa Negros Oriental sa kanila.

Dahil dito, nanawagan si Mayor Janice sa Senado, publiko at media na samahan sila l sa pagbabantay, at pagkuha ng hustisya para sa kanilang probinsya.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *