Pampanga PHO, handa sakaling tumaas ulit ang kaso ng COVID-19

Tiniyak ng Pampanga Provincial Health Office na handa ang lalawigan sakaling tumaas muli ang mga kaso ng COVID-19.

Sa panayam kay Dr. Zenon Ponce, ang Provincial Health Officer ng Pampanga, sinabi nitong naka handa ang mga isolation facility pati mga health worker kung dumami ulit ang tatamaan ng virus sa lalawigan.

May naka handa na rin anyang rapid anti-gen sa mga district hospital sa Pampanga, na pwedeng gamitin sa mga nais magpa-test ng libre.

Sa ngayon nasa mahigit apatnapu na lang ang natitirang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong Pampanga, batay sa huling datos na inilabas ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *