Pampanga provincial government, nag hatid ng tulong sa Abra

Dumating na kaninang madaling araw sa Abra ang unang batch ng augmentation team ng Pampanga Provincial Government para maghatid ng tulong sa mga kababayang naapektuhan ng 7.0 magnitude na lindol noong July 27.

Kasama ang ilang personnel ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at Provincial General Services Office ng Kapitolyo, mahigit 29 na sasakyan kabilang ang mga dump trucks, wing van, water tanker, at mobile kitchen, ang nagtungo papuntang Abra bitbit ang nasa mahigit 20,000 food packs, tubig, at bigas galing sa mga Kapampangan.

Ang nasabing tulong ay mula umano sa boluntaryong pagbibigay ng Kapampangan, bilang pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng mga sumaklolo sa Pampanga noong pumutok ang bulkang Pinatubo.

Samantala, kasama ring nag tungo sina Governor Dennis Pineda, Apalit Mayor Jun Tetangco, PDRRM Chief Angelina Blanco, kasama ang iba pang social workers at volunteers ng PDY Ventures Inc.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *