Pamunuan ng CNPH humingi ng paumanhin sa mga nagkaroon ng hindi magandang karanasan sa kanilang serbisyo

CAMARINES NORTE- Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Camarines Norte Provincial Hospital sa mga nagkaroon ng negatibong karanasan sa kanilang serbisyo.

Sa isang pahayag sa pamamagitan ng Camarines Norte Provincial Hospital Official Admin Account, sinabi ng pamunuan ng ospital na nauunawan nito ang mga indibidwal na nagkaroon ng mga negatibong karanasan sa kanilang mga serbisyo.

Ilan umano sa mga pinakakaraniwang reklamo na kanilang natanggap ay ang mahabang oras ng paghihintay, mahinang komunikasyon, hindi sapat na mga pasilidad at reklamo sa ilang empleyado.

Tiniyak ng CNPH na sineseryoso ng management ang mga reklamong ito at nakatuon ang institusyon sa paggawa ng mga pagbabago upang higit na mapaganda at mapabuti ang mga serbisyo.

Ilan lamang umano sa mga bagong hakbang na kanilang ipinatutupad ay ang pag- hire ng karagdagang staff para mabawasan ang mga oras ng paghihintay, pagpapahusay sa channel ng komunikasyon, pagsisikap na ma- update ang mga pasilidad upang  lumikha ng mas komportable at nakakaengganyong kapaligiran.

Noong Marso ay isinailalim sa Basic Customer Service Skills Training ang mga kawani nito.

Ang training ay kasunod ng marching order ni Governor Ricarte “Dong” Padilla upang mas maging maayos ang pakikitungo ng hospital personnel at maging sensitibo  sa  pangangailangan ng kanilang mga pasyente.

Pinapahalagahan rin daw ng management ang feedback na kanilang natatanggap at hinihikayat ang publiko na ipagpatuloy ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *