Pangulong Duterte pormal nang tinanggap ang nominasyon sa pagka VP

Pormal nang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon para sa pagtakbo sa pagka pangalawang pangulo sa darating na eleksyon 2022.

Inanunsyo ito ng pangulo sa kanyang talumpati sa idinaos na national convention ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa San Fernando, Pampanga ngayong hapon.

Ayon sa Pangulo, umaasa syang maipagpatuloy niya ang kanyang serbisyo sa mga mamamayang Pilipino. 

Iginiit ni pangulong Duterte na di pa sya nasangkot sa korapsyon sa apat na dekada nyang panunungkulan sa gobyerno.

Hindi binanggit ng Pangulo kung sino ang kanyang magiging standard bearer ngunit sinabi nyang ang kanyang long time aide na si Senator Bong Go ay “very bright person”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *