Pangulong Marcos nilagdaan na ang pagpapaliban sa 2022 Barangay at SK elections

Opisyal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na magpapaliban sa 2022 barangay and Sangguniang Kabataan elections nga itinakda sana sa Disyembre.

Ang Republic Act No. 11935, ay inapload na sa Official Gazette noong Miyerkules, kung saan makikitang nilagdaan ito noong Lunes.

Sa ilalim ng naturang batas, ang 2022 elections para sa barangay at Sangguniang Kabataan ay isasagawa sa huling Lunes ng October 2023, at matapos ang kada tatlong taon.

Nilagdaan ni Marcos ang batas, dalawang linggo matapos ratipikahan ng Kongreso ang bicameral conference committee reports na naglalaman ng consolidated version ng bawat panukala ng kapulungan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *