DOT ibinahaging No. 2 top visitors ng Pilipinas ang mga Chinese tourists

Ibinahagi ng Department of Tourism (DOT) na ang mga turistang Chineses ang pangalawang top visitors sa Pilipinas, sa gitna ng mga ulat ng umano’y pagblacklist ng China sa Pilipinas, dahil sa patuloy na presensya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ayon kay DOT Secretary Christina Garcia Frasco, na bago ang pandemya, nagtala ang DOT ng halos 1.8 million na Chinese tourist arrivals kada taon.

Ang naturang bilang ay lalo pang nagpatibay sa cordial relationship sa pagitan ng China at ng Pilipinas, lalo na sa aspeto ng turismo.

Sa ngayon, hindi pa nagbubukas ang China ng kanilang borders para sa outbound leisure travel, kaya drought umano ang foreign arrivals na bumibisita sa Pilipinas simula noong 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *