Pangulong Marcos: palawigin ang coverage para sa kanilang mga miyembro

Inatasan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na palawigin ang kanilang coverage para sa mga miyembro nito.

Ginawa ni Marcos ang kautusan sa kanilang pulong sa mga opisyal ng PhilHealth sa Malacañang.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO), na inihayag ni acting president and CEO Emmanuel Ledesma Jr.,  ang kanilang short-term plan para sa anim na buwan ng 2023, gaya ng pagpapataas sa hemodialysis coverage mula sa 90 sa 156 sessions; repealing sa pay-whichever-is-lower corporate policy sa payment claims at pagpapataas sa case rate ng top four packages saklaw ang 25% ng mga inihaing claims.

Bahagi rin sa short-term plan ng state health insurer ay ang introduction ng PhilHealth mobile app at short message service (SMS) confirmations, magning ang pagpapatupad sa benefits packages.

Sa ilalim ng bagong package, nais umano ng Philhealth na ipatupad ang outpatient mental health benefits package, outpatient package para sa severe acute malnutrition para sa mga bata na below five years old, maging ang improved Konsulta package.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *