Panibagong taas sahod sa Central Luzon, wala pang linaw ayon sa RTWPB

Hindi pa makapag bigay ng malinaw na sagot ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB, kung magkakaroon na ng panibagong dagdag sahod sa Central Luzon.

Ayon kay Kenneth Liza ang OIC Board Secretary ng RTWPB Region 3, hindi pa nila masasabi sa ngayon kung meron o wala, dahil naka depende sa proseso ang pag determina kung kailangang magtaas ng sahod.

Kailangan din daw kasi na balansehin ang magiging epekto nito sa mga employer, dahil kaakibat dapat ng taas sahod ang pagtaas din ng productivity.

Magugunitang mag iisang taon na ang dagdag sahod sa Gitnang Luzon sa darating na June 20.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *