Agad na pinasinungalingan ng pamunuan ng Clark Development Corporation o CDC ang paniningil kada-buwan sa mga delivery riders.
Sa statement na inilabas ng CDC sa social media, wala umanong katotohanan na may 200 pesos monthly fees sa mga delivery riders na pumapasok sa Clark Freeport Zone.
Kaugnay nito nagsasawa na umano ng imbestigasyon ang Security Service Group ng CDC para matukoy kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat ng maling balita.
Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang CDC sa mga delivery riders dahil sasipag at dedikasyon sa kanilang trabaho.
