Sec. Gatchalian, pinag-iingat ang publiko vs text scam sa ‘unclaimed senior allowances’

Nagbabala ang DSWD laban sa mga text scam na nangangakong magbibigay ng unclaimed relief allowance’ para sa mga senior citizens.

Ito ang kasunod sa natanggap na mga reports ng ahensya mula sa mga concern citizen na nagsasabing may kumakalat umanong text message kaugnay sa mga hindi pa natatanggap na relief allowances para sa mga senior citizens at pati na rin sa mga retired business owners.

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian na huwag basta basta maniwala sa mga naglalako ng serbisyo na kunwari ay galing sa DSWD.

Huwag din umanong magbibigay ng mga sensitive personal information sa text message, email, o sumagot sa mga tawag ng mga nagpapakilala na taga DSWD.

Maaari umanong tumungo sa office of the senior citizens affairs sa mga lungsod o munisipyo para beripikahin ang mga natatangap na impormasyon.

Huwag din umano basta-basta magbigay ng pera kahit kanino.

Kaugnay nito ay nagbabala si Sec. Gatchalian na mananagot ang nasa likod ng naturang text scam.

may mga naka-set up na umanong mga mekanismo sa bawat mga DSWD field offices para ma-detect kung saan nagmumula ang mga scammers.

Sisiguraduhin umano ng ahensya na sila ay mananagot sa batas.

Samantala, para sa mga programa ng Kagawaran para mga senior citizens ay maaaring komontak sa DSWD VOIP number na 8931-8101 local 10125/10157 o sa email na [email protected].

Maaari namang pumunta sa City/Municipal Social Welfare Office (C/MSWDO) sa inyong mga area para sa dagdag na impormasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *