Paolo Contis at LJ Reyes, hiwalay na?

Naalarma ang maraming followers ng celebrity couple na sina LJ Reyes at Paolo Contis matapos mapansin na nag-unfollow ang aktor sa Instagram account ng kaniyang partner sa loob ng anim na taon.

Naobserbahan rin ng mga mapagmatyag na followers ni Contis na inalis nito ang mga litrato nila ni Reyes mula sa kaniya page.

Kasama na sa mga nabura ay ang huling pinost ng aktor noong July 14 na litrato nilang dalawa ni Reyes.

Nitong Huwebes ng gabi naman ay makikita na naka-follow pa rin si Reyes kay Contis, at makikita pa rin ang mga litrato nilang dalawa sa kaniyang page.

Wala naman sa dalawa ang nagbibigay ng pahayag tungkol sa estado ng kanilang relasyon, habang patuloy na kumakalat ang ilang spekulasyon sa social media.

Mababatid na mayroong babaeng anak sina Contis at Reyes, ang dalawang taong gulang na si Summer.

Nanatili naman ang sampung taong gulang na si Aki, na anak ni Reyes mula sa dati niyang karelasyon na si Paulo Avelino sa poder nila ni Contis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *