Parking attendant huli sa snatching ng cellphone sa Naga City

NAGA CITY- Huli ng mga otoridad ang umano’y snatcher ng cellphone sa Naga City.

Sa report ng Naga City Police Office nangyari ito sa General Luna St. Brgy. Igualdad bandang alas-11:30 ng gabi nitong Hunyo 27, 2023. Habang naglalagay ng mga sapatos sa tindahan bigla na lamang may pumasok na hindi nito kilalang lalaki at mabilis na kinuha ang kaniyang cellphone na nagkakahalaga ng P14,000.00. Matapos na mapasakay ang gamit mabilis na tumakbo patungo sa Barangay Abella.

Hinabol ang biktima ang suspek at nakita niya ang mga police na nagpapatrolya, kaagad naman na rumisponde ang mga otoridad naabutan ang suspek sa Abella St. Corner Felix Plazo St. Brgy. Abella, Naga City at nakilala itong si Reno Quinto y An, 27-anyos, residente ng  Brgy Bahao, Libmanan, Camarines Sur.

Nasa kostudiya ito ng pulisya.

Sa Concepcion Pequeña naman, pinasok ng 66-anyos na garbage trader ang hardware sa Dona Clara Village.

Kinuha ng suspek na si Jovito Jocson ang assorted construction supply,  nang makapasok sa bakod at sinira ang lock ng stock room.

Sa hot pursuit operation ng pulisya, positibong nakuha ang mga ninakaw na gamit.

Nasa kostudiya na ito ng pulisya sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *