Over all rate ng Soreco Dos ngayong buwan ng Hunyo, bumaba

                                                                                                                                                      Nagkaroon ng pagbaba sa Over All Rate ng Sorsogon 2 Electric Cooperative o SORECO 2 ngayong buwan ng Hunyo  kumpara noong nakaraang buwan ng Mayo.

Sa datos ng kooperatiba mula sa dating P14.4423/kWh noong buwan ng Mayo ay bumaba ito sa P14.1935/kWh ngayong buwan o katumbas ng P0.2488/kWh na pagbaba.

Samantala, tumaas naman ang Generation System Charge kung saan mula sa P8.0785/kWh noong nakaraang buwan ay umakyat ito sa P8.4120/kWh ngayong buwan.

Ibig sabihin, nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng kuryente na binibili ng kooperatiba sa Wholesale  Electricity Spot Market o WESM ng P0.3335/kWh.

Nagkaroon din ng pagbaba na P0.1926/kWh sa Transmission System Charge sa parehong peryodo kung saan mula sa P0.8374/kWh na charge sa pagdala ng kuryente mula sa planta patungong Soreco 2 gamit ang transmission grid na ang bayad ay napupunta sa NGCP ay bumaba ito sa P0.6448/kWh habang P0.2257/kWh naman ang ibinaba sa Basic Charge matapos na maging P12.2128/kWh na lamang ito ngayong buwan kumpara sa P12.4385/kWh noong nakaraang buwan.

                                                                                                                                            

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *