Pasalubong Center sa Botolan, binuksan na

Binuksan na ang Pasalubong Center sa bayan ng Botolan, Zambales.

Dito ay makikita ang iba’t ibang produktong gawa ng mga Botolenyo.

Ang pasalubong center ay binuksan sabay ang pagpapasinaya nito noong October 17.

Pinangunahan ni Governor Jun Ebdane ang ribbon cutting sa pasilidad kasama ang mga opisyales at kawani ng lgu, Balin Pamana at Tourism Office.

Hindi lamang umano produktong Botolenyo ang makikita dito kundi isasama din ang mga kilalang produktong Zambalenyo.//Russell Banawa-BNFM IBA

PHOTO: Zambales for the People

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *