Pasok ng mga estudyante sa ilang lalawigan ng Bicol, naging maayos

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Education (DepEd) Bicol na may mga lalawigan sa nasabing rehiyon na walang deklasyon ng suspension na dulot ng bagyong Florita, kung saan tuloy- tuloy naman ang kanilang pasok sa mga paaralan.

Ilan sa mga lalawigang hindi nagkaroon ng suspension sa klase ay ang lalawigan ng Sorsogon at Masbate.

Ayon kay Mayflor Jumamil, Regional Spokesperson ng kagawaran, naging maayos ang daloy ng klase at sabik na pumasok ang mga bata dahil sa ipinatupad na sa kanilang paaralan ang face-to-face classes.

Aminado naman ang DepEd na may mga paaralan pa rin sa ilang probinsya sa rehiyon na kinakailangan ng major repair dahil nasira ito ng nagdaang bagyo.

Kabilang sa mga dapat ayusin ay ang ilang paaralan sa bahagi ng Albay, Camarines Norte at Camarines Sur.

Sa ngayon ang ginagawa ng DepEd ay maglagay muna ng temporary learning space sa mga apektado na mga paaralan upang maipagpatuloy ang klase ng mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *