Pay out sa mga beneficiaries ng social pension isinasagawa ngayon sa bayan ng Basud

Isinasagawa ngayon ang pay out sa mga benepisyaryo ng social pension sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Ito na ang ikawalong bayan sa lalawigan na nag- pay out para sa ikalawang semester ng taon.

Kumpara kahapon ay mas kaunti ngayon ang pumila para mag claim ng kanilang grant.

Mababatid na pitong bayan na ang natapos ang pay out mula noong huling bahagi ng Hulyo.

Ang mga natapos nang makapag pay- out ay ang mga bayan ng Daet, Sta Elena, Paracale, Jose Panganiban, Labo, San Vicente at Vinzons.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development, nasa 16, 641 nang mga benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang grant para sa buwan ng Hulyo hanggang Disyembre kung saan aabot naman sa mahigit P49. 3 milyon ang naipamahagi na.

Nasa 25, 878 ang mga benepisyaryo ng social pension sa buong lalawigan.

Mahigpit namang ipinapatupad ang health protocols kontra COVID- 19 sa venue ng pay out lalo’t mga senior citizen ang nagki- claim.

Ang Social Pension ay isang programa ng gobyerno para sa mga mahihirap, mahina, at may karamdamang senior citizens edad 60 anyos  pataas na walang natatanggap na pension mula sa SSS, GSIS, o iba pang uri ng pension mula sa gobyerno o pribadong ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *