PBBM, nakauwi na ng Pilipinas mula sa state visit

Nakauwi na ng bansa kaninang hapon si Pangulong Bongbong Marcos mula sa kanyang 6 na araw na state visit.

Kasama ang delegasyon ng bansa, sakay ang Pangulo ng sakay ng Philippine Airlines flight PR001.

Samantala, bibisita sa Pilipinas sa susunod na linggo ang agriculture minister ng Czech Republic na si Marek Výborný.

Layon ng kanilang pagbisita na magtatag ng kooperasyon na susuporta sa mga hakbangin sa seguridad ng pagkain sa bansa.

Nabatid na ang pagbisitang ito ni Výborný sa susunod na linggo ay kasama sa layunin ni Pangulong Bongbong Marcos na palawakin pa ang ugnayan sa Czech Republic sa usapin ng food security.

Sa isang joint press conference, sinabi ni Czech President Petr Pavel na dadalhin nila sa bansa ang isang delegasyon ng mga negosyante upang ipakita ang interes sa pamumuhunan sa agrikultura at iba pang pangunahing sektor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *