PBBM, target talakayin sa APEC Summit ang pagpapalakas ng kalakalan sa bansa

Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. natalakayin ang pagpapalakas sa pamumuhunan, kalakalan at dagdag na trabaho para sa kanyang pagdalo sa 30th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa San Francisco, USA.

Sinabi ng Pangulo na makikipagpulong ito sa mga lider ng mga bansang malakas ang ekonomiya sa Asia-Pacific Region para matupad ang adhikaing sapat na supply ng pagkain at enerhiya at maisama ang micro, small, and medium enterprises sa pagpapaangat sa kabuhayan ng bansa.

Kasama aniya sa kanyang misyon ang pakikipag-usap sa mga malalaking negosyante sa sidelines ng APEC Summit at roundtable discussions para manghikayat ng mga mga mamumuhunan at oportunidad sa pagnenegosyo kasabay ang paglalatag ng economic agenda ng Pilipinas.

Nakatakda rin itong magsalita sa APEC CEO Summit para talakayin ang intentional equity in sustainability kung saan ibabahagi nito ang karanasan ng Pilipinas sa pagpapalago sa ekonomiya.

Samantala, bumyahe na si Pangulong Marcos papuntang San Francisco USA para dumalo sa APEC Summit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *