Bagong istilo ng pamamalimos sa Naga City, nabisto

NAGA CITY –Ilang araw ding nakapambiktima sa Naga City ang mga kalalakihan na namamalimos sa loob ng mga pampasaherong sasakyan, tulad ng bus at jeepney.

Nakunan ng video ang mga ito habang nagmamakaawa sa mga pasahero at ang modus ay may ipapakitang larawan ng kamag-anak nilang nasa ospital na nangangailangan ng tulong-pinansiyal, mayroon ding walang pamasahe pabalik sa mga karating rehiyon at iba pa.

Nakapanayam naman ng Brigada News FM Naga si Annabelle Vargas,head ng City Social Welfare and Development Office at nabanggit niya na nakarating sa kanilang opisina ang nabanggit ng istilo ng mga namamalimos.

Agad nila itong pinahanap sa bus station, subalit hindi na nila naabutan.

Minomonitor na rin sila ng Naga City Police Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *