PBBM: Ugnayan sa ICC, puputulin na!

Tinapos na mismo ni Pangulong Bongbong Marcos ang usapin kung makikipag-cooperate ba ang Gobyerno sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng Duterte administration.

Sa sidelines ng isang event sa Zamboanga, sinabi ni Marcos na wala na raw dapat pang aksyong gawin ang Pilipinas dahil wala na rin tayong mga apela na naka-pending pa sa ICC.

Aniya, hudyat daw ito na wala na tayong dapat pang gawing ugnayan sa ICC kaya hindi tayo makikipag-cooperate sa imbestigasyon nila dito sa Pilipinas.

Sa ngayon, patuloy umanong idiriin ng Pilipinas ang soberanya nito at ke-kuwestiyunin ang hurisdiksyon ng ICC.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *