Gen. Brawner, opisyal nang AFP Chief-of-Staff

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Change-of-command at retirement ceremony ni General Andres Centino bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Emilio Aguinaldo ngayong hapon.

Habang pormal na ring naupo sa pwesto ang papalit kay Centino na si General Romeo Brawner Jr na ika-40th Chief of Staff ng AFP.

Sa mensahe ni Brawner, binanggit nito ang magiging limang focus area ng kanyang pamumuno na naka-angkla sa slogan ni Pangulong Marcos na UNITY.

U para sa unification sa loob ng kanilang organisasyon at komunidad, N para sa normalization ng proseso sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao partikular ang disarmament demobilization at reintegration ng mga former fighters ng Moro Islamic liberation Front.

I para sa Internal Security operation, T para sa Territorial Defense at Y para sa youth.

Samantala ginawaran ng Commander-in-Chief si Centino ng Presidential Legion of Honor Award at inialay din ang Command Plaque, Plaque of Honorable Service, Framed Medals, at Pagpupugay sa Kawal Pilipino Plaque para sa naging serbisyo nito sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Maliban naman kay Pangulong Marcos, present din sa seremonya si National Defense secretary Gilbert Teodoro.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *