PDP-Laban, nagpadala ng feelers kay Sara Duterte para maging standard bearer, pero…

Inamin ng ruling party PDP-Laban na nagpada sila ng feelers kay Davao City Mayor Sara Duterte para maging ka-tandem ni vice presidential aspirant Sen. Bong Go.

Pero ayon kay party’s secretary general Melvin Matibag, hindi pa sila pormal na nakipag-usap sa presidential daughter, na una nang naghain ng kanyang kandidatura para sa reelection bid.

Binigyang diin ni Matibag na kinikilala ng mga miyembro ng PDP-Laban ang endorsement ng party chairman na si Pangulong Rodrigo Duterte, na tumakbo ang kanyang anak kasama si Go sa 2022 polls, pero kailangan nilang konsultahin ang general leadership ng partido.

Dagdag nito, ang mga potential bets ay kailangan rin sumailalim sa proper process.

Hindi naman ibinunyag ni Matibag ang ibang opsyon ng partido para sa presidential bet. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *