Pera sa ATM at grocery tinangay; mga suspek dumaan sa ilalim ng lupa

Umatake ang kawatan at natangay ang malaking halaga ng pera sa isang grocery store na may naka pwestong automatic teller machine o ATM sa Puan, Davao City.

Sa imbestigasyon ng Talomo Police Station kinaumagan na nadiskobre ng mga kawani ng tindahan pinasok ng mga kawatan ang establishmento matapos makita ang mga nagkalat na gamit.

Tangay ng mga suspek P400,000 na nasa sa cash safety box ng tindahan at hindi pa malamang hagala ng pera na nasa loob ng ATM at loading machine.

Pinaniniwalaang dumaan ang mga kawatan sa drainage o mga manhole sa lugar at naghukay papunta sa grocery at binutas ang sahig kaya nakapasok.

Agad naman nagtulungan ang pulisya at mga barangay tanod at pinasok mga manhole at drainage sa lugar, doon nadiskobre ang ilang bote ng energy drinks nga pinaniniwalaang ininum ng mga suspek.

Agad naman naglibot ang pulisya sa mga boarding house na malapit sa lugar na posible umanong tinirhan ng mga suspek.

Sa ngayon nire-review na ang mga CCTV camera sa lugar na posibleng may footage ng mga suspek.

Matatandaan sa mga nakalipas na panahon ilang bangko narin sa magkakaibang bahagi ng bansan ang nabiktima ang kaparehong modus kung saan naghuhukay ang mga suspek nga pinaniniwalaang mga miyembro ng “termite gang” at bubutasin ang sahig para makapasok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *