PGA at DTI, nagsagawa ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) sa lunsod ng Legazpi

LEGAZPI CITY – Isinagawa ang dalawang araw na Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) sa lunsod ng Legazpi at ito ang unang pagkakataong lumahok ang lalawigan.

Pinangunahan ito ni DTI Regional Director, Dindo Nabol kasama si Albay Gov. Atty. Edcel “Grex” Lagman katuwang din ang Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Jaymee Florence Ribaya, Local Economic Development and Investment Promotion Officer ng nasabing pamahalaan, sinabi nito na ninanais ng gobernador na makapasok muli ang lalawigan sa Top 20 ng SGLG.

Hindi na umano masama na nasa Top 15 ang lalawigan, kahit marami ang pinagdaanan sa panahon ng pandemya.

Aabot sa 82 mga ang maglalaban-laban sa SGLG awards, kaya’t hindi maaaring tumigil sa ranking ang Albay pagdating dito.

Dahil sa aktbidad ay magkakaroon ng pledge of commitment ang bawat LGU na suportahan ang CMCI.

Layunin ng nito maturuan ang mga LGUs sa paglalagay ng data information sheet upang hindi magkamali ang mga ito.

Sinabi pa ni Ribaya, ipapaliwanag rin sa kanila ang kahalagahan ng 5 pillars o ang economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resiliency and innovation.

Ang CMCI ay isang taunang ranking sa iba’t-ibang mga lunsod at munisipalidad sa bansa batay sa isang gamit na nilikha ng National Competitiveness Council (NCC).

Ang gamit ay nakaposisyon upang palakasin ang mga LGU upang sukatin ang kanilang kasalukuyang competitiveness laban sa global standards, pagtukoy sa mga lugar para growth and development, at pagbibigay ng mga posibleng reporma at inisyatibo upang mas lalong pasiglahin ang local competitiveness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *