2, arestado sa magkahiwalay na drug buy-bust operation sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Tiklo ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na drug buy-bust operation sa bayan ng Daraga, Albay.

Unang naaresto si Mark Anthony Semanis, residente ng Purok 2, Brgy. Bañag ng nasabing bayan sa operasyong ikinasa ng Daraga MPS laban sa kanya.

Narekober sa kanyan ang 11 sachets ng pinaniniwalaang “shabu”, non-drug items at perang ginamit sa drug buy bust operation.

Samantala, sa Brgy. Binitayan naman ng nasabing bayan, nahuli rin si Richmon Ryan Barajas sa kaparehong operasyon.

Nasamsam sa kanya ang tatlong sachets ng kaparehong item na may 3.5 grams na timbang at nagkakahalagang humigit-kumulang PHP28,000.

Parehong nsa kustodiya na ng himpilan ng pulisya ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *