PGA, pinag-aaralan na ang mga aksyon isasagawa sa paghahanda sa banta ng lahar mula sa Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Pinag-aaralan na ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay ang ilang mga hakbang para sa nakatakdang post-recovery program ng lalawigan kaugnay sa halos dalawang buwan nang pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Kung matatandaan, una nang sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na simula nang magpakita ng abnormalidad ang Mayon, aabot na sa 11 million cubic meters ang ibinugang volcanic materials nito.

Ayon sa Provincial Engineering Office (PEO), mayroon nang nakatakdang plano upang pag-usapan ang tungkol sa risk-based rehabilitation sa mga naapektuhang mga pasilidad kung saan tututok ang ‘build better now’ principle ng pamahalaan.

Kabilang sa mga plano ang dike rehabilitation at construction para sa lahar management program kung saan inaasahan ang malaking banta ng lahar sakaling bumuhos ang malakas na ulan.

Samantala, kabilang din sa napag-usapan sa isinagawang post-recovery cluster meeting ay ang pagsasaayos ng mga paaralan at mga evacuation centers na una nang ginamit na pansamantalang kanlungan ng mga pamilyang apektado ng bulkan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *