PH, binansagang terorista ang NDF

Binansagan ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang National Democratic Front (NDF) bilang terrorist organization dahil sa koneksyon nito sa mga komunistang rebelde.

Ayon sa ATC, ang NDF ay isang “integral at inseprable part” ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na binansagang terrorist group noong December.

Sa isang resolusyon, sinabi ng ATC na nagpapakita sa Article X ng 2016 CPP Constitution na ang NDF ay core at most consolidated group na nagbibigay ng suporta sa armed at organizational expansion ng CPP-NPA.

Dahil sa nasabing designation, magkakaroon ng otoridad ang gobyerno na i-freeze ang assets ng NDF na naitayo noong April 1973.

Pwedeng mag-request sa ATC ang NDF para ma-delist sila sa loob ng 15 araw mula publication ng designation.

Mababatid na una nang itinalaga ng ATC bilang terorista si CPP founding chairman Jose Maria Sison at asawa nitong si Julieta, at nalalabing 19-member central committee ng CPP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *