Ph, ikinokonsidera na umano ang paglift sa deployment ban sa Kuwait

Pinag-aaralan ng gobyerno ng Pilipinas na posibleng ilift na ang deployment ban sa Kuwait matapos na suspendihin kamakailan ng Arab state ang issuance ng bagong visas para sa mga Pilipino.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega, na ang naturang suspensyon ay tugon ng Kuwait sa deployment ban ng Pilipinas sa bagong household workers sa naturang bansa noong Pebrero.

Dagdag ni De Vega, na titignan din nila ang ibang interes, at hindi lang umano ang pamahalaan ang magdedesisyon, kundi ikokonsidera rin umano ang feedback ng publiko.

Mababatid na ang deployment ban ay ipinatupad sa Kuwait kasunod ng pagkamatay ng overseas Filipino worker (OFW) na si Julleebee Ranara at ang iba pang kaso ng maltreatment ng mga OFWs. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *