PH, may karagdagang $280M loan sa World Bank para sa agri enterprise, rural infra subprojects

Inaprubahan na ng World Bank ang karagdagang pondo para sa effort ng Pilipinas na magbigay ng mas maraming income opportunities para sa mga residente sa rural areas at mapataas ang kanilang productivity.

Ayon sa Washington-based lender, inaprubahan nila ang bagong credit line na $280 million o halos P13.54 billion, kasama ang grant na 1.05 billion para sa Philippine Rural Development Project.

Ang naturang inisyatibo na susuporta sa mahigit 260 climate-resilient rural infrastructures at mahigit 280 enterprise development subprojects, ay naglalayung makabenepisyo ang nasa 300,000 residente.

Saklaw sa naturang pondo ang mga investments gaya ng rural roads, communal irrigation subprojects, warehouse facilities at solar dryers, at greenhouses.

Dagdag ni Ndiame Diop, World Bank country director for Brunei, Malaysia, Philippines and Thailand, na ang naturang proyekto ay magpapalakas sa efforts para tapusin na ang malalang kahirapan at ma-promote ang shared prosperity sa pamamagitan ng pagtarget sa investments sa agrikultura na siyang major source sa kabuhayan at kita sa mga rural areas. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *