PH, nagtala ng 9,055 new COVID infections; Active cases bumaba sa 103,077

Nagtala ang Pilipinas ng 9,055 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumampa ang nationwide tally sa 2,613,070.

Ito ang unang pagkakataon simula noong Agusto na ang daily case tally ay mababa sa 10,000.

Pero ayon sa Department of Health (DOH), ang bahagyang pagbaba ng bilang ay dahil sa mababang laboratory output noong Linggo.

Sa bagong bulletin ng DOH, lumalabas naman na ang bilang ng mga active cases ay bumaba sa 103,077, kung saan 78.8% rito ay nakakaranas ng mild symptoms, 11.4% ang asymptomatic, 5.65% ang mayroong moderate symptoms, 2.9% ang severe, at 1.2% angnasa kritikal na kondisyon.

Samantala, may 12,134 pang pasyente na nakarekober mula sa naturang sakit dahilan para tumaas an survivor count sa 2,613,070, habang ang deatl toll ay nananatili sa 38,828, matapos na walang naitalang bagong fatalities, dahil sa technical issues sa data repository system na COVIDKaya. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *