Vaccinated individual vs COVID, maaring manalo ng P1-M sa raffle

May pagkakataong manalo ng isang milyong piso ang mga indibidwal na nabakunahan na laban sa COVID-19, sa raffle na inorganisa ng Department of Health (DOH) at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Maliban sa P1 million na grand prize, na igagawad bago matapos ang 2021, may 100 vaccinated individuals rin ang mananalo ng mga premyo sa monthly draws mula October hanggang December.

Ang mga participants ay kailangan lang magparehistro sa pamamagitan ng pag-text sa RESBAKUNAREG NAME/AGE/ADDRESS at ipadala sa 8933.

Matapos nito, maari na nilang ipadala ang kanilang raffle entries sa pamamagitan ng pag-type ng RESBAKUNA 1st letter ng vaccine brand/bilang ng doses/LGU/date of vaccination at ipadala sa 8933.

Ang mga single dose ay magkakaroon ng isang raffle entry, habag ang may mga dalawang doses ay dalawang raffle entries.

Sa kabuoan, ang mga fully-vaccinated individuals ay magkakaroon ng tatlong raffle entries sa pamamagitan ng pagre-rehistro ng kanilang entries per dose.

Ang mga mayroong single-shot ng COVID-19 vaccines ay otomatikong mayroong tatlong raffle entries.

Para naman sa mga senior citizens, na partially vaccinated ay mayroong dalawang raffle entries, habang ang mga fully vaccinated ay mayroong anim na raffle entries. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *