PhilHealth, magsasagawa ng review para sa kanilang Covid-19 benefit packages

Irereview ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang benefit packages para sa Covid-19 sa gitna ng kasalukuyang coronavirus situation ng bansa.

Ayon kay President at Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma Jr., na ira-rationalize ng Philhealth ang kasalukuyang Covid-19 benefit packages, lalo na para sa inpatient packages, RT-PCR, at rapid antigen test, at isolation packages.

Isasagawa ang review dahil may mga pagbabago umano sa protocols at guidelines para sa Covid-19.

Samantala, hindi naman direktang masagot ni PhilHealth Senior Vice President Israel Francis Pargas, kung magkakaroon ba sa naturang review ng decrease o increase ng benepisyo na maisasama sa packages.

Sa kabila nito, tiniyak ni Ledesma sa publiko na ang review ay mahigpit na isasagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *