Philippine Athletics Track and Field Association, pinuri ang kahanga-hangang performance ni EJ Obiena

Pinuri ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang Pinoy pole vaulter na si EJ Obiena matapos ang magandang performance na ipinamalas nito sa Tokyo Olympics.

Sa isang pahayag ay sinabi ni PATAFA president Philip Ella Juico na nagawa ni Obiena, na kasalukuyang no. 6 sa buong mundo, na ipakita ang kagusutuhan nito na manalo hanggang sa kahuli-huliang pagkakataon kung saan ay kinailangan niyang kumbinsihin ang mga opisyal ng paligsahan na mabigyan siya ng re-jump.

Inisyal na nabigo si Obiena sa kaniyang third attempt sa 5.80m, ngunit nagawa nito na kumbinsihin ang mga opisyal na bigyan siya ng isa pang pagkakataon.

Gayunman, hindi pa rin ito naging matagumpay na dahilan para pormal na itong umexit mula sa kompetisyon para sa medalya.

Sa kabila nito ay pinuri ng PATAFA ang 25-anyos na pole vaulter lalo na at nagawa nitong makipagkompitensya na kasama ang mga pinakamagagaling na atleta sa buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *