COVID-vaccination proof, hihingiin na sa mga establishimyento sa NYC simula Sept 13

Ire-require na ng New York City sa Estados Unidos ang pruweba ng COVID-19 vaccination mula sa mga customers at staff nito sa mga restaurants, gyms, at iba pang indoor businesses sa gitna ng panibagong laban na kinahaharap ng bansa dahil sa mas nakakahawang Delta variant.

Ito na ang unang major US city na nag-require ng pruweba ng pagpapabakuna mula sa mga tao.

Base sa bagong polisiya ng New York City na magsisimula sa September 13, ay kailangan na makita sa pruweba na naturukan na sila ng kahit one dose ng COVID-19 vaccine kung nais nilang makapasok sa mga establishimyento.

Makikita sa datos ng lungsod na tinatayang nasa 60% ng ng New Yorkers ang nakatanggap ng one dose ng COVID-19 vaccine.

Gayunman, napagalaman naman na mababa ang vaccination rates nito sa mga mahihirap na komunidad at sa mga tinatawag na communities of color.

Mababatid na inanunsyo ito ng New York matapos maobserbahan ang surge ng mga kaso sa Florida at Louisiana, na nakikita ngayon bilang virus hotspots kung saan ay nasasagad na ang mga ospital dahil sa pagdagsa ng COVID patients.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *