Philpost dapat maging competitive sa mga private courier

CAMARINES NORTE- Naniniwala si Postmaster IV Henry Ubana ng Daet na dapat maging competitive ang Philippine Postal Corporation o Philpost sa mga pribadong courier.

Sa gitna ito ng kasalukuyang kalagayan na tila napag iiwanan nang masyado ang ahensiya sa harap ng makabago at mabilis na teknolohiya.

Gayunman aminado si Ubana na mahirap makipag compete sa mga pribadong courier dahil sa limitasyon ng gobyerno.

“Sa akin pong palagay dapat maki- pag compete ang post office sa delivery commitment namin, kung nagagawa nung ibang courier dapat magawa din namin kaya lang po ang unang ano namin niyan, ano lang kami, Monday to Friday ay ang mga courier hanggang Sunday po, Saturday- Sunday nagde- deliver yan,” ani Ubana.

Kabilang naman sa mga serbsiyong ibinibigay pa ngayon ng Philpost ay ang parcel service kung saan pwedeng magpadala ang mga pinoy ng mga produkto galing sa Pilipinas patungo sa ibang bansa.

At kung dati ay mayroong opisina ang Philpost sa lahat ng bayan ngayon ay clustering na lang ito.

Saklaw ng Philpost Daet ang mga bayan ng Basud, Mercedes, San Lorenzo Ruiz at San Vicente na mayroong nakatalagang isang Postmaster.

Isang Postmaster din ang nakatalaga para sa Talisay at Vinzons na nag oopisina sa una.

Magkasama naman sa isang cluster ang Labo, Jose Panganiban at Paracale at mayroon din sa Sta Elena at Capalonga.

Mayroon lamang limang Postmaster sa buong lalawigan at malaki rin ang nabawas sa mga empleado.

Halimbawa sa Daet Post Office na dati ay mayroong mahigit 30 empleado ngayon ay 12 na lang at apat lang ang regular.

Karamihan dito mga contract of service na anumang oras ay maaaring umalis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *