PHO hinimok ang mga LGU na apektado ng delta variant na gawin lahat ng kaparaanan para masigurong mapigilan ang pagkalat ng virus

CAMARINES NORTE- Aminado ang Provincial Health Office na hindi magiging madali para sa mga Lokal na Pamahalaan na apektado ng Delta variant ang pagpigil sa pagkalat ng sakit.

Ayon kay Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco malaking problema ang pag quarantine dahil hanggang sa third generation ang dapat dalhin sa mga pasilidad para ma isolate.

Sa kabila nito, hinimok ni Francisco ang mga apektadong LGU na gawin lahat ang mga kaparaanan upang lahat ng mga close contacts mula first hanggang third generation ay makuha at mailagay sa mga pasilidad.

Batay umano sa guidelines ng Department of Health, na gawin muna ang lahat ng paraan para madala sa angkop na pasilidad ang mga close contacts para walang pangamba na makapanghawa ang mga ito.

Kung sa bahay daw kasi ay walang kasiguruhan na masusunod ang mga itinatakdang patakaran ng DOH.

Kung talagang walang wala nang mapaglagyan ay pinapayagan naman ang home quarantine pero masyado umano itong delikado.

“Nasa guidelines naman ng DOH na exhaust all possibility na ma- contain natin sila o mailagay po natin sila sa facility para yung nakalagay dun sa guidelines gawin muna nating lahat ang kaparaanan kung ano bang mga paraan na ilagay natin sila sa pasilidad para safe tayo, hindi tayo mangamba na magkakalat pa sila kapag nasa bahay,” ani Francisco.

“So pag na- exhaust na po natin lahat ng possibility then punta na po tayo dun sa home quarantine kasi wala na nga tayong malalagyan sa kanila kaso lang sa pag iikot ko lagi kung sinasabi sa mga Mayors at sa mga MHO na mahirap i- monitpr po yan, siyempre nasa loob ng bahay kung sila ba ay nasa kwarto tala o hindi nag uusap.”

Ayon pa kay Francisco, masyado nang nagiging maluwag ang pagpapatupad ng mga paNuntunan kontra COVID- 19.

Gayunman aminado itong kailangan ding balansehin ang mga polisiya  dahil sa usapin ng ekonomiya.

Matatandaan na ngayong linggo lang ay nakapagtala ng 21 bagong kaso ng Delta variant ang lalawigan ng Camarines Norte, batay sa resulta ng random testing ng Philippine Genome Center kung saan apektado ang 7 bayan.

Pinakamarami ang naitala sa Talisay na mayroong 6, Daet 5, Labo 4, Vinzons 3 habang tig- isang kaso sa Basud, Jose Panganiban, at Sta Elena.

Sa kabuuan nasa 24 na ang mga naitalang kaso ng naturang variant dahil may nauna nang dalawang kaso sa Mercedes at isa naman sa Labo.

(CTTO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *