PHO irerekomenda sa mga MHO na magsagawa ng COVID- 19  vaccination sa mga sementaryo ngayong undas

CAMARINES NORTE- Irerekomenda ng Provincial Health Office sa mga Municipal Health Office ang pagsasagawa ng COVID- 19 vaccination sa mga sementaryo ngayong undas.

Sa harap na rin ito ng inaasahang pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo pagkalipas ng dalawang taonna hindi ito nagawa dahil sa pandemya.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na ito naman talaga ang tagubilin ng Department of Health na ilapit sa mga tao ang bakuna.

Ito umano ang dahilan kung bakit nagbabakuna sa mga palengke, simbahan, sabungan at sa iba’t- ibang opisina.

Kaugnay nito ay hinikayat ni Francisco ang mga MHO na magtalaga ng bakunador  sa mga sementaryo at hikayatin ang mga tao na magpabakuna.

Yan po ay nakalakip na po sa dating advisory nung ating national DOH na ilapit ang ating pagbabakuna sa mga tao ano, lalong lalo na sa mg apasilidad na maraming tao, so kahit sa sabungan kailangan nating maglagy din ng bakunador no, so likewise dito sa parating na undas i- encourage natin ang ating mga bakunador lalong lalo na mga RHU office natin na magpadala ng mga bakunador  sa bawat sementeryo sa kanilang lugar,” ani Francisco.

Pagdating naman sa supply ng bakuna, sinabi ni Francisco na ang request nila sa DOH- Regional Office ay depende sa request din sa kanila ng mga munisipyo.

Hindi raw kasi pwedeng mag- stock ng maraming bakuna dahil posibleng mag expire lang ito kaya depende na lamang daw sa request sa kanila.

Gayunman, tiniyak ng opisyal na mayroong buffer stock sa bawat request nila ng bakuna sa DOH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *