PHO nanawagan sa mga LGU na mahigpit na ipatupad ang quarantine at isolation

CAMARINES NORTE- Nanawagan ang Provincial Health Office (PHO) sa mga Local Government Units na mahigpit na ipatupad ang quarantine at isolation para maiwasan ang pagkalat ng COVID- 19.

Batay sa ipinalabas na kalatas ng PHO sa pamamagitan ni acting Provincial Health Officer at Incident Commander for Health Dr. Arnel Francisco, importanteng maipatupad ang mga nakapaloob sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ng mga Lokal na Pamahalaan.

Nitong mga nagdaang linggo ay nagkaroon umano ng “significant” na pagtaas ng COVID- 19 cases sa buong bansa maging dito sa lalawigan bagay na nagdudulot na ng pagka alarma.

Ilan sa mga dahilan nito ay ang pagkakatuklas ng mas nakakahawang COVID- 19 variants at ang pagkapanatag ng mga tao dahil sa rollout ng vaccination program kung saan ipinagwawalang bahala na ang mga health protocols,

At sa gitna ng natuklasang bagong variants na nakakahawa kailangan umano ang mas striktong pagpapatupad ng minimum health standards para maiwasan ang mabilis na pagkalat ng sakit.

Importante umano ang proper contact tracing, monitoring, quarantine at isolation ng mga infected at na- expose sa sakit.

Hindi umano pinapayagan ang home quarantine ng COVID- 19 patients.

Gayunman may mga pagkakataong maaaring payagan ang home quarantine sa mga mild at asymptomatic cases alinsunod sa mga panuntunan ng Department of Health at Department of the Interior and Local Government at masisigurong masusunod ito.

Samantala, hihirit naman si Mayor Adrian Davoco, ang Pangulo ng Inter Local Health Zone sa mga LGU sa ikalawang Distrito na magkaroon ng second wave ng kanilang counterpart para magtutuloy- tuloy pa ang operasyon ng Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF) sa Vinzons.

Kung hindi kasi makakakalap ng karagdagang pondo ay posibleng hanggang sa Hunyo na lang ang itatagal ng operasyon nito.

Ang TTMF sa Vinzons ay ang pinagdadalhan ng mga COVID- 19 positive na mild at asymptomatic cases.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *