Phuket, magbubukas para sa mga bakunadong byahero

Inanunsyo ng Thai government na pwede nang bumyahe ang mga travelers na fully vaccinated na laban sa COVID-19 papuntang Phuket.

Ipinunto ng Thailand na tatanggapin sa lugar ang mga byahero mula sa kahit anong bansa.

Inihayag ito ng Thailand matapos ang dalawang taon mula nang bumagsak ang industriya ng turismo nito dahil sa mga restriksyon na may kinalaman sa COVID-19 pandemic.

Mababatid na ang turismo ay isa sa mga malalaking industriya na pinagkukuhanan ng income ng Thailand.

Matatandaan noong July ay inilunsad ng kingdom ang “sandbox” scheme kung saan ay pinapayagan nito ang mga fully vaccinated travelers mula sa mga bansa na kinokonsiderang low-to-medium risk na mamasyal sa sikat na beach island at bumyahe patungo sa mainland na walang quarantine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *