Pilipinas, hindi pa umano handa sa paggamit ng nuclear power plant

Maraming nang mga bansa na ang naging bukas sa paggamit ng nuclear power dahil na rin sa pagiging ‘efficient’ nito.

Ayon kay Senator Win Gatchalian, sa pamamagitan ng paggamit nito ay kakaunting feedstock o raw materials nalang ang kakailanganin upang makapagprodyus ng kuryente.

Ngunit sa kabila nito, ipinunto ng senador na may pros at cons ang paggamit nito kung kaya’t magandang mapag-aralan at mapag-isipan ng maayos ang paggamit nito.

Pagpapaliwanag niya, hindi tulad ng paggamit ng solar ay mas maraming isyu ang dapat kaharapin dito tulad ng isyu sa waste disposal at kaligtasan.

Kaugnay nito, naniniwala siyang hindi pa handa ang bansa para rito lalong lalo na’t wala pang regulator at technical people na mag-aasikaso rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *