Pilipinas kailangan magdagdag ng investment sa WPS – Esperon

Naniniwala si National Defense Adviser Hermogenes Esperon Jr., na kailangan magdagdag ng investment ang Pilipinas sa West Philippine Sea upang mas maayos na madepensehan ito sa mga gustong umangkin sa naturang teritoryo.

Ayon kay Esperon dapat ay mas maraming barko ang Bureau of Fisheries ang nagpapatrolya sa lugar upang mamonitor ang mga banyagang nangingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Sa ganitong paraan ayon kay Esperon ay mapro-protektahan ang tinatawag na ‘blue economy’ sa lugar.

Aminado naman si Esperon na di hamak na mas malakas ang pwersa na pinapakita ng China sa West Philippine Sea subalit hindi umano patitinag dito ang bansa.

Iginiit ng National Defense Adviser na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsulong sa karapatan ng Pilipinas sa WPS, at sa katunayan binanggit ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa katatapos pa lamang na Asean Summit noong Oktubre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *