Pilipinas, pinalawig ang ban sa mga byahero mula sa ilang bansa hanggang June 30

Inaprubahan ng gobyerno ang pagpapalawig ng kasalukuyang ban sa mga byahero na magmumula sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman hanggang sa katapusan ng June.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tatagal ang travel restrictions mula June 16 hanggang June 30, 2021.

Una nang ipinatupad ang ban sa mga byahero na manggagaling sa India noong Abril dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19 facilities at infections sa naturang bansa.

Na-detect rin sa kauna-unahang pagkakataon ang Delta, na tinaguriang variant of concert.

Matatandaan na noong Mayo naman unang ipinatupad ang travel ban sa mga pasahero na galing Pakistan, Bangladesh, Nepal, at Sri Lanka.

Noong May 16, ay isinama na ng gobyerno sa listahan nito ang Oman at United Arab Emirates upang maiwasan ang pagpasok ng Delta variant sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *