Pinakamahabang wig sa buong mundo, mas mataas pa umano kung ikukumpara sa Eiffel Tower

Sabi nila habaan mo raw ang iyong pasensya, ‘yung tipong magtitimpi ka hanggang sa maidaos mo ang inaasam mo sa buhay.

Gaya na lamang ng isang wigmaker sa Lagos, Nigeria na talagang napakahabang pasensya ang iginugol upang makagawa ng tinaguriang “Longest Handmade Wig” in the world.

Kinumpirma  rin mismo ng Guinness Organization na si Hellen Williams ang pinakabagong record holder ng may pinakamahabang wig na na handmade lamang at umabot naman ng 1,152 ft. at 5 inches.

Base sa mga patunay, mas matangkad pa umano ito sa Eiffel Tower ng Paris France kung saan, mayroong tangkad na 984 ft.

Kahit man hirap siya matapos ang nasabing wig, naisakatuparan niya naman ito sa tulong ng kaniyang mga kaibigan at pamilya.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *